Pinsala ni ‘Ulysses’ sa agrikultura at imprastraktura, umabot sa mahigit P5-B

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
WATCH: Strenuous rescue operations in Marikina
Kuha ni: Ted Aljibe (AFP)

Posible umanong umabot sa ₱1.5 bilyon ang pinsalang idinulot ng Bagyong Ulysses.

Ipinahayag ni Agriculture Secretary William Dar na pinakamalaki ang naging pinsala sa Central Luzon at CALABARZON. Ang mga pananim na pinakaapektado umano ay palay, high-value crops, at fisheries.

Batay sa preliminary reports, sinabi ng mga opisyal noong Biyernes na aabot sa mahigit ₱5 bilyon ang naging pinsala sa imprastraktura at agrikultura bunsod ng pananalasa ni Ulysses.

Ayon sa Department of Agriculture sa 4 p.m. bulletin nito, umabot sa ₱969.8 milyon ang halaga ng mga pananim at iba pang assets ang naging pinsala ng bagyo, kung saan apektado nito ang 40,519 magsasaka at 51,241 hectares ng agricultural areas sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, at Bicol Region.

Idinagdag ng ahensya na ang kabuuan ng production loss ay umabot sa 58,897 metric tons, na kinabibilangan ng bigas, mais, high value crops, fisheries, at livestock.

Nakahanda naman ang DA na magbigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas, mais, assorted vegetable seed reserves, loans, pati na rin ang gamot at biologics para sa livestock at poultry.

Sa aspeto naman ng imprastraktura, iginiit ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na umabot sa ₱4.254 bilyon ang naging pinsala ni Ulysses.

Nilisan ni Ulysses ang Philippine Area of Responsibility noong Biyernes ng umaga matapos manalasa sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila.

LATEST

LATEST