Komite sa Kamara, inaprubahan ang resolusyon na layong i-upgrade ang transportasyon sa Mindanao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Inaprubahan ng isang komite sa Kamara noong Martes ang iba’t-ibang hakbang na layong i-upgrade ang serbisyo ng transportasyon sa Mindanao.

Inaprubahan ng House Committee on Mindanao Affairs, na pinamumunuan ni Lanao del Sur Rep. Mohammad Khalid Dimaporo, ang House Resolution 728, na unang nagdirekta sa Civil Aviation Authority of the Philippines at Department of Transportation na magpresenta sa panel tungkol sa operational status at decongestion plan ng lahat ng mga paliparan sa Mindanao.

Kabilang dito ang Davao International Airport, Laguindingan Airport, at Zamboanga City Airport.

Hinihikayat ng resolusyon ang national government na magbigay ng sapat na pondo upang mapahintulutan ang decongestion ng mga nasabing paliparan sa Mindanao.

Nais ni Dimaporo na mapondohan ang mga naturang paliparan para maisakatuparan ang degongestion.

Aniya, “Let it be amended so that all Mindanao airports that were operating at full capacity pre-COVID times be given appropriate budget within the Duterte administration so that the Duterte administration can leave a legacy of decongested passenger terminals in the region of Mindanao.”

Sa orihinal na resolusyon, idiniin ni Dimaporo ang pagsasaayos sa mga airports sapagkat ang mga ito ay nagsasagawa ng operasyon nang higit pa sa kanilang carrying capacity.

Samantala, nais din ng komite na maging two-track, electric-powered line ang Mindanao raolway sa halip na single-track railway na pinagagana ng diesel.

Ito ay matapos aprubahan ng komite ang resolusyon na nagdidirekta sa National Economic Development Authority at Department of Transportation na magsumite ng feasibility study sa Kongreso tungkol sa proyekto.

Ayon kay Dimaporo, dahil sa upgrade, posible nang makipagsabayan ang Mindanao Railway sa iba pang train lines abroad.

Nagpasya rin ang komite na pag-usapan sa isang pagdinig ang bill na nag-uutos sa Task Force Bangon Marawi na bigyan ng tulong pinansyal ang mga ari-ariang bahagyang nasira o tuluyang nawasak noong 2017 Marawi siege.

LATEST

LATEST

TRENDING