Duterte, lumikha ng task force para pabilisin ang typhoon response bunsod ng Bagyong Ulysses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na ipinag-utos niya ang pagbuo ng isang bagong inter-agency task force para pabilisin ang isinasagawang response at rehabilitation ng pamahalaan para sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses.

Nangako rin itong walang patid ang gobyerno sa ginagawang pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Sa isang televised speech, ibinahagi ng pangulo na binigyan niya ng timeline ang nasabing inter-agency task force para tapusin ang rehabilitation efforts, at inutusan din itong bawasan ang red tape upang mas mapabilis ang distribusyon ng ayuda.

Aniya, “I directed them to streamline para madali ‘yong rehabilitation efforts affected by the typhoon. Pangalawa, itong task force ng different agencies. Lahat itong halos ng mga ahensya ng gobyerno kasali dito… binibigyan ko sila ng timeline para gumawa ng mga hakbang na ‘yan na walang delay at i-cut yung red tape para mabilis ang takbo ng tulong sa tao,” Duterte said. 

Nagtalumpati ang pangulo matapos ang makasaysayang pagbaha sa Cagayan Valley, kung saan na-trap ang ilang mga residente at desperadong humihingi ng tulong habang nasa itaas ng kani-kanilang mga bubong matapos ang pananalasa ni Ulysses.

Paparating na aniya ang tulong, wika ng pangulo, at na-deploy na rin ang Philippine Coast Guard at militar para sa rescue operations.

“Dito sila nagta-trabaho round the clock.. [ang] ibang mayroong maitutulong, nand’yan. Ang Coast Guard naman may mga eroplano diyan sa area… ‘Yung search and rescue mayroon tayong mga support forces din. Ang Army has been deployed, Coast Guard naka-deploy sa Region 2,” paglilinaw ni Duterte.

Nagpadala na umano ang pangulo ng dalawang helicopters para mag-rescue ng mga residente sa Cagayan. Magpapadala rin ng mas maraming military choppers mula Metro Manila, sakaling kailangangin ito.

“Kaya natin ito. Ilang pahirap na ng panahon. Babangon din tayo. Mahirap pero… Alam niyo naman ang mga Pilipino, alam niyong tumindig uli,” ani Duterte, na unang binatikos dahil sa kanyang pagiging absent tuwing may national emergency.

Batay sa datos noong Sabado, 32 katao na ang nasawi dahil kay Ulysses, habang 65,000 pamilya o mahigit 232,000 indibidwal naman ang nananatili sa mga evacuation centers, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

LATEST

LATEST

TRENDING