PRRD, pinagbawalang lumabas ng PSG at kanyang doktor sa gitna ng Bagyong Ulysses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ang mga kritisismo na nawala ulit ito sa mata ng publiko habang nasa kasagsagan ng kalamidad. Sa inilabas na anim na minutong taped speech, ipinaliwanag ng pangulo na nais niyang “makilangoy” sa mga naging biktima ng bagyo kung hindi lamang siya pinagbawalan.

Aniya, “It’s not that I am at a distance from you. Gusto kong pumunta doon, makipaglangoy sa inyo. Ang problema pinipigilan ako kasi daw pag namatay ako isa lang ang Presidente. Sabi ko may Vice President naman. Wala silang sinasagot.”

Ayon kay Duterte, hindi umano sang-ayon ang Presidential Security Group at ang kanyang doktor nang sabihing niya sa mga ito na maaari naman siyang palitan ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo sakaling may masamang mangyari sa kanya,

“Binabawalan ako ng nagbabantay sa akin, PSG, doktor. Hindi ako makalabas. Sabi ko gusto ko magpakita sa tao. Ang sabi nila bantayan ‘yung pagkatao ko,” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Kasi ako ang Presidente.”

Hindi humarap sa publiko si Duterte bago tumama ang bagyo o di kaya ay nagpaabot ng mensahe para tiyaking nakahanda na ang typhoon response. Dahil dito, muling naging trending sa social media noong Huwebes ang hashtag na  #NasaanAngPresidente.

Nilinaw ni Duterte  na naghanda na umano ang mga ahensya ng pamahalaan bago pa man tumama ang bagyo sa bansa, at tiniyak na tutulungan ng administrasyon ang lahat ng mga naging biktima ng kalamidad.

“I assure everyone that the government is on top of the situation. As President, I guarantee you that the government will do its best to provide assistance in the form of shelters, relief goods, financial aid, and post-disaster counseling,” giit ni Duterte.

Ayon sa mga opisyal, nag-deploy na ng karagdagang personnel upang pabilisin ang emergency rescue operations para sa mga naging biktima ni Ulysses.

LATEST

LATEST

TRENDING