Budget debates sa Senado, suspendido hanggang Nob. 16 dahil kay ‘Ulysses’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senate President Vicente Sotto III
Kuha ni: Henzberg Austria (Senate PRIB)

Sinuspinde ni Senate President Vicente Sotto III noong Huwebes ang budget debates para sa 2021 national budget hanggang sa Nobyembre 16 dahil sa pagkasira ng isang transformer sa Senate building bunsod ng Bagyong Ulysses. Ito ay nagdulot ng brownout sa gusali.

Aniya, “I have decided to suspend the session until Monday, 10 a.m.”

“Walang kuryente sa buong Senate kasi 3 times pumutok ‘yung transformer natin sa labas malapit sa gate dahil sa lakas ng hangin at ulan,” dagdag pa ni Sotto.

Pinutol din ng bagyo ang linya ng telepono at internet sa Senate building, dagdag pa ng senador.

Ilang mga senador ang dumadalo sa mga pagdinig at plenary sessions sa pamamagitan ng videoconferencing simula Marso nang isinailalim sa lockdown ang buong Luzon dahil sa Covid-19 pandemic.

Kinakailangang ipasa ng Senado ang badyet bago mag-Disyembre upang maisapinal na ito ng Kongreso at mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-expire ang kasalukuyang badyet sa dulo ng taon.

Kung walang maipapasang General Appropriations Act sa Enero 1, 2021, mapipilitan ang pamahalaan na gamitin ang re-enacted na 2020 badyet, na walang nilalaman na pondo para sa mga programang tutugon sa Covid-19 pandemic.

Samantala, hindi bababa sa 100,000 katao ang inilikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, mahigit isang linggo lamang simula nang humagupit ang Bagyon Rolly sa parehong lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING