Duterte, nag-alok ng pabuya para sa mga magsusumbong ng mga kurap na opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ng pabuya o cash incentive para sa mga indibidwal na magsusumbong sa mga aktibidad ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ang mga magre-report ng mga tiwaling aktibidad sa likod ng maliliit na kontrata ay bibigyan ng ₱50,000 habang ang sa mga malalaking kontrata naman ay bibigyan ng ₱100,000.

Aniya, “Pag malaking mga contract, ibulong mo lang na iluluto ‘yan, I will give you ₱100,000. And I will keep your identity a secret until I reach my grave.”

Sinabi rin ng pangulo na makikipag-“deal with the devil” ito kung makapag-uulat ang informant ng harassment.

“Ayan ang gusto ko, bumaril ng tao nang legal. Kaya kung inaano ka, tinatakot ka, ipaalam mo ako,” ani Duterte.

Inabisuhan ng pangulo ang mga magrereklamo ng kurapsyon na “pahinugin ang krimen” upang makakalap ng sapat na ebidensiya laban sa mga kurap na opisyal.

“The contract itself will be the evidence. The fact that you have an intention to draft a contract that is prejudicial to the government is enough to send you in the gallows,” babala ni Duterte.

Pinangalanan din ng pangulo ang mas maraming empleyado na sinuspinde o pinatalsik mula sa serbisyo ng Ombudsman dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa katiwalian.

Bukod-tangi sa listahan ni Duterte ang ang mga personnal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa falsification ng travel records ni dating Wirecard chief operating officer Jan Marsalek.

Apat na BI officials naman ang idinagdag sa mga sinuspinde dahil sa pagkakaugnay sa pastillas scheme. Sila ay pinaiimbestigahan para sa grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, o conduct prejudicial to the best interest of service.

“Do not ever think that you are indispensable in the scheme of things sa gobyerno. Many Filipino graduates that have no job now are bright and honest,” paglilinaw ni Duterte.

Dagdag pa nito, “Kaya kayong taga gobyerno may trabaho, take care of your position. Do not allow even a dent of anomaly na dumaan sa opisina mo.”

Ipinatawag ni Duterte noong Lunes ang 40 na suspendidiong BI officials at personnel, kung saan nagrolyo ito ng pera sa balat ng pastillas para ipakain sa kanila.

Ang pastillas scheme, na naging usap-usapan noong Pebrero, ay nagpahintulot sa mga Chinese nationals na makapasok ng bansa kapalit ang panunuhol.

Ang nasabing operasyon ay binansagang  “pastillas” dahil ang pera ay itinatago sa nirolyong bond paper tulad ng pambalot sa pastillas.

LATEST

LATEST

TRENDING