Mayor Isko, nakipagpulong sa Pfizer matapos magbigay ng update sa Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Manila Mayor Isko Moreno

Ibinahagi ni Manila Mayor Isko Moreno noong Martes ang kanyang naging meeting sa executives ng pharmaceutical company na Pfizer Inc. at inanunsyo na naglaan siya ng P50 milyon para maging supplemental budget ng lungsod sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19.

Ito ay matapos ianunsyo ng Pfizer noong Lunes na ang dini-develop nitong bakuna ay 90 percent effective.

Ayon kay Yorme, ang naging layunin ng ginanap na meeting ay alamin ang latest updates hinggil sa experimental Covid-19 vaccine ng Pfizer. 

Aniya, “Kakatapos lang po ng ating pakikipagpulong sa top executives ng Pfizer sa ating bansa upang kumuha ng update sa developments ng bakuna laban sa COVID-19.”

“Muli nating ipinaalam sa kanila ang kahandaan ng Pamahalaang Panglunsod ng Maynila na bumili ng inisyal na P250 milyon (additional 50m) na halaga ng bakuna mula sa kanila para sa mga taga Maynila,” dagdag pa nito.

Noong Agosto, nilagdaan ng alkalde ang Ordinance No. 8659, na naglaan ng P200 milyong supplemental budget ngayong taon para sa pagbili ng bakuna sakaling dumating na ito.

Ang Pfizer at German partner nitong BioNTech SE ay kinokonsidera bilang unang drugmakers na naglabas ng matagumpay na datos mula sa large-scale clinical trial ng coronavirus vaccine. 

Ayon sa mga kumpanya, wala silang nahanap na anumang isyu hinggil sa kaligtasan ng bakuna. Nais din nilang kumuha ng awtorisasyon mula sa pamahalaan ng US ngayong buwan para sa emergency use ng bakuna.

Ang Pfizer at BioNTech ay mayroong $1.95 bilyong kontrata sa US government na mag-deliver ng 100 milyong vaccine doses simula ngayong taon.

Nagkaroon din sila ng supply agreements sa European Union, United Kingdom, Canada at Japan.

LATEST

LATEST

TRENDING