Duterte, ‘posibleng’ ideklara ang state of calamity sa 3 rehiyong sinalanta ng bagyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Posibleng ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa Bicol, Calabarzon at Mimaropa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Rolly noong nakaraang linggo, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Lunes.

Ang state of calamity ay magpapahintulot sa mga lokal na opisyal na gumamit ng emergency funds. 

“Hintayin po natin ang papel mismo na manggagaling sa tanggapan ng Presidente,” ani Roque.

Ang pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon ay ikinasawi ng 20 katao matapos nitong bayuhin ang mga lalawigan sa timog ng Manila noong nakaraang linggo taglay ang gusts na aabot sa 310 kilometers per hour (190 mph). 

Bahagyang sinira ni Rolly ang mahigit 55,000 kabahayan habang tuluyan nitong winasak ang mahigit 20,000, ayon naman kay disaster management chief Ricardo Jalad. 

Sa paghupa ng bagyo, mahigit 50,000 na kabahayan ang nawalan ng kuryente sa Luzon, na kumakatawan sa two-thrids ng ekonomiya ng bansa.

Ang malalakas na hangin at ulan ay nakapagsira naman ng mga pananim sa halagang P1.7 bilyon, na karamihan ay mais at bigas, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Si Rolly ang ika-18 na bagyo na tumama sa Pilipinas ngayong taon at isa sa mga pinakamalalakas na bagyo simula noong manalasa ang Bagyong Yolanda na pumatay sa mahigit 6,300 katao noong 2013.

LATEST

LATEST

TRENDING