PH Ambassador na nangmaltrato ng kasambahay, kakasuhan na sa Lunes: Locsin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Duterte OKs probe vs PH envoy over helper's abuse | ABS-CBN News

Pormal nang kakasuhan si dating Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro sa Lunes dahil sa alegasyon ng pang-aabuso sa kanyang Pilipinang kasambahay, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr.

“Formal charge will be made on Monday; it is already in my laptop,” pahayag ni Locsin sa isang tweet noong Sabado. Isang panel umano ang maglilitis kay Mauro.

Ipinatawag pabalik ng Manila ang dating ambassador para sumailalim sa imbestigasyon matapos iere ng GloboNews ng Brazil media ang iba’t-ibang video kung saan makikita ang umano’y pangmamaltrato ni Mauro sa kanyang kasambahay sa iba-ibang pagkakataon.

Sa mga video, makikita si Mauro na hinahampas ang ulo ng kanyang kasambahay gamit ang kanyang palad, hinihila ang tenga, at tinatapunan pa ng mop.

Alinsunod sa pormal na direktiba mula sa Malacañang, bumuo ng fact-finding team si Locsin, habang iginigiit na mariing tumitindig ang Department of Foreign Affairs na tugunan ang kaso nang naaayon sa batas.

Ang nasabing kasambahay ay nakauwi na sa kanyang tahanan sa Koronadal City, South Cotabato. Unang sinabi rin ni Locsin na nagpadala ang DFA ng ₱200,000 bilang tulong pinansyal.

Si Mauro ay itinalaga bilang envoy sa Brazil noong Pebrero 2018. Bago ito, naging consul general din ito sa Philippine General Consulate sa Milan, Italy.

LATEST

LATEST

TRENDING