Expanded task force, may ‘whole-of-government approach’ kontra kurapsyon: Bong Go

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Christopher “Bong” Go

Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go noong Biyernes na ang ginawang expanded inter-agency task force na layong sugpuin ang katiwalian sa pamahalaan ay patunay lamang sa mariing tindig ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng tunay na pagbabago bago magtapos ang termino nito sa pamamagitan ng holistic at whole-of-government approach kontra kurapsyon.

Hindi naman umano ito makapanghihimasok sa mandato ng mga ahensya kontra katiwalian tulad ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay Go, bagama’t may sariling mandato ang Ombudsman para tugunan ang kurapsyon, may mandato at mekanismo rin ang Department of Justice—na pinangungunahan ang bagong task force— na tingnan ang sistematikong kurapsyon sa gobyerno.

Aniya, “It may also create as many panels as it deems necessary, and direct other government agencies to assist or be part of its panels, such as the Office of the Ombudsman, Commission on Audit, and Presidential Anti-Corruption Commission, among others.”

Tiniyak naman ni Go na ang expanded task force ay hindi lamang mag-iimbestiga, bagkus ay magsasampa rin ng kaso, magsasagawa ng lifestyle checks, magrerekomenda ng suspensyon, at magpapakulong sa mga guilty na opisyal.

Inirekomenda ng senador sa pangulo ang pagbuo ng nasabing task force na may expanded na sakop upang maimbestigahan ang mga anomalya sa kahit anumang ahensya ng gobyerno.

Magpapatuloy ang operasyon nito hanggang sa pagtatapos ng termino ni Duterte sa 2022.

“Towards the last one year and eight months of this administration, we must not hesitate in our quest to eradicate corruption,” dagdag pa ni Go.

LATEST

LATEST