DOH, iniulat ang pag-spike ng Covid-19 cases sa 4 na lugar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health spokesperson Maria Rosario Vergeire

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na apat na lugar ang kasalukuyang nakapagtatala ng pag-akyat sa bilang ng Covid-19 cases bagama’t may downtrend sa arawang tally ng mga kaso sa buong bansa.

Sinabi  ni Health spokesperson Maria Rosario Vergeire noong Lunes na mino-monitor nila ang spike sa coronavirus infections — na umaabot sa 200% increase — sa Sarangani, Eastern Samar, Ormoc City, at Dinagat Islands.

Matapos makipag-usap ang DOH sa mga lokal na opisyal, sinabi ng Ormoc City na nakahanap sila ng transmission cluster sa kanilang mga healthcare workers.

Nag-ulat ng pinaigting na testing capacity ang Eastern Samar, habang iginiit naman ng Dinagat Islands na tumaas ang mga kaso nito nang buksan ang pantalan sa mga taong galing Siargao.

Idiniin naman ni Vergeire na iva-validate pa nila kung ang mga ito nga ba ang kadalihanan sa pag-spike ng mga kaso sa mga nasabing lugar.

Inanunsyo naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na hinihigpitan nila ang  border control upang mapigilan ang pagtaas ng mga kaso sa lungsod. Sa kasalukuyan, mayroong 28 active cases ang Ormoc City, batay sa datos ng pamahalaang lokal.

LATEST

LATEST

TRENDING