Malacañang: Sinas, mahaharap pa rin sa kaso bagama’t magiging bagong PNP Chief

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Maj. Gen. Debold Sinas

Mahaharap pa rin sa kasong kriminal si Maj. Gen. Debold Sinas matapos itong magdaos ng party o “mañanita” para sa kanyang kaarawan noong Mayo na aniya’y paglabag sa quarantine protocols, bagama’t itinalaga ito bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP), ayon sa Malacañang noong Lunes.

Aakyat sa puwesto ang kontrobersyal na opisyal sa Martes upang palitan ang magreretirong si PNP Chief Gen. Camilo Cascolan. 

Nang tanungin kung maabswelto si Sinas dahil sa kanyang appointment, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na: “I don’t think so po. That’s not how our laws operate.” 

Naging laman din ng balita si Sinas noong Hulyo matapos mag-viral ang pagkumpronta nito sa pamilya ng isang retired na pulis, kung saan sinugod nito at ng iba pang mga pulis ang tinitirhan ng nasabing retired officer sa loob ng government compound sa Taguig City para ito’y paalisin.  

LATEST

LATEST

TRENDING