10 reklamo, inihain ng anti-corruption task force laban sa mga kurap na opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinahayag ng Department of Justice (DOJ) na nakatanggap na ito ng inisyal na 10 reklamo mula sa mga ordinaryong mamamayan laban sa ilang opisyal ng pamahalaan na tatalakayin ng anti-corruption task force na pinangungunahan ng ahensya.

“Meron na pong pumapasok na mga report at reklamo galing sa publiko. Mangilan-ngilan po, mga sampu, at patuloy po sila dumadating at sinusuri ng ating secretariat ng operations force,” ani Justice Undersecretary at spokesperson Emmeline Villar noong Sabado.

Ayon kay Villar, ilan sa mga reklamo ay tungkol sa pag-solicit ng pera ng ilang mga opisyal, subalit tinanggihan naman nitong magbigay ng seryosong alegasyon na kinakailangan ng mas malawak na imbestigasyon.

Dapat din umanong kumalap ng mga dokumento ang task force mula sa Commission on Audit at Ombudsman hinggil sa mga kinukwestyong ahensya.

Posible umanong matagalan ang pagsasampa ng mga kaso habang kinakalap ang ebidensya, taliwas sa Task Force PhilHealth na nakapagsampa ng reklamo laban sa mga opisyal ng PhilHealth sa loob lamang ng dalawang buwan.

“Based on our experience with the Task Force PhilHealth, in two months, because there was a lot of information and evidence available regarding the anomalous transactions in PhilHealth, a case was filed right away,” wika ni Villar.

Noong Oktubre 27, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa sakop ng Task Force PhilHealth upang paimbestigahan ang “buong pamahalaan” kontra katiwalian. Binigyang diin nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan talamak umano ang kurapsyon, parttikular na sa right-of-way claims.

Kamakailan ay hinikayat din nito ang mag kurap na opisyal sa pamahalaan na agaran nang mag-resign.

Inamin naman ni Usec. Villar, na asawa ni Public Works Secretary Mark Villar, na hindi siya kumportable sa pag-imbestiga sa DPWH.

“Dahil po ang asawa ko ang secretary ng DPWH, hindi ako kampante sa imbestigasyon ng DPWH o ganunpaman ang kahit anong imbestigasyon ng ibang ahensiya,” giit ni Villar.

Gayunpaman, tatanggap umano ang DOJ mula sa publiko ng mga reklamo na maaaring ipadala sa papamagitan ng e-mail address na dojac@doj.gov.ph.

LATEST

LATEST

TRENDING