PhilHealth, nagbayad na nang aabot sa ₱600-M sa Red Cross

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Nakapagbayad na ang PhilHealth sa Philippine Red Cross nang aabot sa ₱600 milyon para sa coronavirus tests – o mahigit kalahati sa ₱1-bilyon nitong pagkakautang.

“PhilHealth releases another ₱100,003,015 to Philippine Red Cross today,” pahayag ng ahensya noong Huwebes.

Binibilisan din umano nito ang reimbursement para sa natitirang claims ng PRC na nasa ₱400 milyon.

Sa halos dalawang linggo, ipinahinto ng PRC ang pagsasagawa ng Covid-19 tests na ginagastusan ng PhilHealth, dahil sa paglobo ng utang nito sa mahigit ₱1 bilyon. Halos ₱931 milyon ng nabanggit na halaga ang minarkahan bilang overdue balance.

Mahigit 6,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang na-stranded sa mga quarantine facilities sapagkat hindi sila maaaring umalis hangga’t hindi nagnenegatibo sa Covid-19.

Una namang nagbayad ang PhilHealth ng inisyal na ₱500 milyon noong Oktubre 27, bagay na nag-udyok sa PRC na muling ibalik ang Covid-19 testing.

Subalit, siningil ng PRC ang PhilHealth para sa buong halaga sa loob ng parehong linggo habang binigyang diin ang agarang pagbabayad ng pamahalaan upang maipagpatuloy ang operasyon ng PRC.

LATEST

LATEST

TRENDING