Malacañang, kinilala ang pagiging 12th safest country ng PH sa buong mundo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Kinilala ng Malacañang noong Miyerkules ang pagpasok ng Pilipinas sa Top 50 safest countries sa buong mundo batay sa 2020 Global Law and Order Report ng international analytics firm na Gallup.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapasalamat ang administrasyong Duterte sa ginagawang pagkilala sa mga hakbang nito na tiyakin ang kaligtasan ng bansa.

Aniya,“Nagpapasalamat po kami sa ating taong-bayan at kahit papaano po kinilala po nila yung priyoridad ng ating Pangulo na panatilihin talaga ang peace and order sa ating lipunan.”

Ang nasabing report umano ay patunay lamang sa pagbibigay prayoridad ng administrasyon sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino.

“Ito pong kumpiyansa na binigay ninyo sa pamamagitan ng survey na ito ay patunay na patuloy po tayong nagsusulong na maibalik po talaga ang peace and order sa ating komunidad,” dagdag pa ni Roque.

Unang kinilala naman ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang naging resulta ng isang inilabas na pag-aaral na nagasabing ang kapayapaan ay isang “shared responsibility among all stakeholders.”

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., ang kasalukuyang natatamasang kapayapaan at seguridad ay dahil sa “collective efforts of the government and the public.”

“We are glad to be recognized as among the safest countries in the world. Thanks to our law enforcers, peace workers, and everyone who has made a commitment to peace, we are moving forward as a peaceful, progressive and resilient nation,” wika ni Galvez.

Unang nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na mas papaigtingin nito ang kampanya kontra iligal na droga at kampanya laban sa komunismo sa nalalabing dalawang taon nito sa puwesto.

Sa 2020 Global Law and Order Report ng Gallup, ika-12 ang Pilipinas 144 na mga bansang sinurvey noong 2019.

Nakakuha ang Pilipinas ng score na 84, na kapantay ng  Australia, New Zealand, Poland, at Serbia. Mas mataas din ito sa 82 index score para sa buong mundo noong 2019.

Nanguna ang Singapore sa survey ng Gallup na may 97 global index score. Kasama rin sa Top 50 list ang mga karatig-bansa sa Southeast Asia na Indonesia (89), Vietnam (86), Malaysia (83), at Myanmar (82) also made it to the Top 50 list.

LATEST

LATEST

TRENDING