Duterte, magpapatupad ng price cap sa Covid-19 tests

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order na nag-uutos para sa pagpapatupad ng price ceiling para sa Covid-19 test kits at testing services.

Sa inilabas na Executive Order No. 118 noong Miyerkules,  inatasan ng pangulo ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na idetermina ang price range para sa Covid-19 tests na isinasagawa ng mga ospital, laboratories, at iba pang health facilities. Inatasan din ang mga ito na gumawa ng guidelines para tiyakin masusunod ito.

Nagbabala naman si Duterte na posibleng tanggalan ng lisensiya o accreditation ang mga lalabag sa bagong kautusan.

Inirekomenda ng DOH sa pangulo noong Setyembre ang pag-iisyu ng isang executive order matapos maglipana ang mga ulat tungkol sa mahal na sinisingil para sa Covid-19 testing. Hindi ito nagmungkahi ng presyo subalit nagsagawa ng mga surveys para matukoy ang price range.

Umapela rin ang Department of Tourism (DOT) na limitahan ang presyo ng RT-PCR at antigen tests — na mga requirements kung babiyahe sa mga tourist destinations.

LATEST

LATEST

TRENDING