Roque: Pagbabalik ng face-to-face classes, ‘titingnan pa’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ipinahayag ng Malacañang noong Martes na kinakailangan pang suriin ang estado ng Covid-19 sa bansa bago magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung posible nang ibalik ang in-person classes sa loob ng dalawang buwan.

Unang sinabi ni Duterte na pahihintulutan na ang face-to-face classes sa Enero 2021.

“Patuloy naman po ang paghahanda d’yan bagama’t ang desisyon po ay talagang magiging desisyon pa rin ng Presidente,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Dagdag pa nito, “Titingnan po natin kung anong magiging development. Ang DepEd naman po, patuloy ang paghahanda. Pero tingnan po natin kung ano ang actual condition pagdating po ng prevalence ng coronavirus sa iba’t ibang parte ng bansa.”

LATEST

LATEST

TRENDING