Galvez, itinalagang vaccine czar dahil sa ‘managerial skills’: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez, Jr.

“Managerial skills” ang kinakailangan para pangasiwaan ang distribusyon ng Covid-19 vaccine kung dumating na ito, giit ng Malacañang noong Martes bilang pagdepensa sa pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang ex-general sa halip na medical expert para pangunahan ang immunization kontra Covid-19.

Ayon kay Duterte noong Lunes, ang distribusyon ng nasabing bakuna ay pangungunahan ni dating military chief at ngayo’y peace process adviser na si Secretary Carlito Galvez Jr., na siya ring chief implementer ng National Task Force against COVID-19.

Ang vaccine operation ay magkakaroon ng “logistics” sapagkat kinakailangang i-import ang bakuna, at ilagay sa malamig na pasilidad, wika naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Aniya, “Kinakailangan po talaga [ang vaccine czar] may managerial skills at sanay sa ganitong management processes.”

“It’s more of a logistics challenge than a medical challenge… Iyong medical issue involved dito ay kung safe po iyong vaccine, at iyan naman po ay tututukan ng FDA (Food and Drug Administration),” dagdag pa nito.

Maraming dating military officials ang namumuno sa Covid-19 response ng pamahalaan kabilang si Galvez, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, at Environment Secretary Roy Cimatu. 

Sinabi naman ni Galvez na ipatutupad niya ang vaccine policies ng kanyang “boss” na si Health Secretary Francisco Duque III, na siya ring chairman ng inter-agency task force kontra Covid-19.

LATEST

LATEST