Duterte, kakalap ng pondo para sa nasirang imprastraktura ni ‘Rolly’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: DPWH

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na maghahanap ng pera ang pamahalaan para sa pagkukumpuni ng mga nawasak na imprastraktura buhat ng Bagyong Rolly.

Ang initial estimates ng infrastructure damage ay tinatayang nasa P5.6 bilyong, kung saan ang malaking bahagi nito ay naitala sa Bicol at Calabarzon, paliwanag ni Public Works Secretary Mark Villar. 

Hindi naman kasama sa datos na ito ang pagkasira sa lalawigan ng Catanduanes kung saan unang nag-landfall si Rolly noong Linggo.

Bagsak pa rin ang linya ng komunikasyon sa lalawigan, dagdag pa ni Villar.

“Majority” ng mga pampubliko at pribadong gusali ay pinaniniwalaang winasak umano ng bagyo.

“Maghahanap na tayo ngayon (we will now look), start to look for money,” giit naman ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING