Duterte, muling magbibigay ng public address ngayong linggo: Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakatakdang makipagpulong muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Gabinete sa Huwebes, kung saan inaasahang muling magbibigay ng talumpati ang pangulo sa publiko, pahayag ng Malacañang.

“We are meeting with him tomorrow, Thursday. It would be hopefully aired also on Thursday night,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque noong Miyerkules.

Nakipagpulong ang pangulo sa mga miyembro ng kanyang Gabinete noong Lunes, kung saan nagbigay ito ng public address matapos manalasa sa ilang bahagi ng bansa ang Bagyong Rolly.

Naging mailap sa mata ng publiko si Duterte nitong weekend matapos itong hindi sumipot sa mga media briefings hinggil sa typhoon response.

Personal naman nitong binisita ang bayan ng Guinobatan sa Albay kung saan isa ito sa mga pinakamalubhang hinagupit ni Rolly. Nagsagawa rin ito ng aerial inspection sa iba pang bahagi ng Bicol region.

LATEST