Malacañang: Presyo ng basic goods, ‘stable’ kahit may bagyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Tiniyak ng Malacañang noong Nobyembre 1 na nananatiling stable ang presyo ng basic goods at commodities kasabay nang pananalasa ng Bagyong Rolly.

Sa isang press conference, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magsasagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng regular monitoring para hulihin ang mga mapagsamantalang retailers.

“Ayon sa DTI, generally price and supply of basic necessities and price commodities remain stable,” giit ni Roque.

Nagmomo-monitor din aniya ang ahensya para tiyaking masusunod ang suggested retail price sa mga lugar na lubhang sinalanta ni “Rolly”.

Nagbabala naman si Roque laban sa mga mapagsamantalang retailers na magtatangkang itaas ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

Hinikayat nito ang mga retailers na obserbahan ang diwa ng “bayanihan” sa papamgitan ng hindi pang-aabuso sa presyo.

Aniya, “Ang pakiusap po ng Presidente [Rodrigo Duterte] sa panahon po ngayon ng aberya, sana po bayanihan. Yung ating mga nagbebenta na mga kailangan ng ating mga kababayan, sana naman po wag pagsamantahalahan.”

Nakasaad sa Section 6 ng Republic Act 7581 o ang Price Act of 1992 na ang presyo ng basic necessities sa isang lugar ay papanatilihin sa dating presyo o di kaya ay isasailalim sa automatic price control kung ideklara ang lugar na isang disaster area o nasa ilalim ng state of calamity.

LATEST

LATEST

TRENDING