Official travel app ng PH, inilunsad na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) at ng Tourism Promotions Board (TPB) noong Oktubre 30 ang official travel application ng bansa.

Ang Travel Philippines ay dinisenyo upang makapagbigay ng latest travel advisories at safety guidelines ng mga muling nagbukas na tourist destinations sa bansa.

“With the ever-changing needs and challenges in travel brought about by the pandemic, Travel Philippines will help both domestic and international tourists have safer and more memorable travel experiences amid our ‘new normal’,” giit ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Naka-feature sa Travel Philippines platform ang anim na major tourist destinations sa bansa, kabilang ang ilang attractions na idadagdag pa habang muli itong magbubukas sa gitna ng Covid-19 pandemic. Ang naturang destinations na available sa app ay ang Palawan, Boracay, Bohol, Baguio, Ilocos Norte, at Metro Manila.

Regular na iu-update ang application tungkol sa mga huling impormasyon ng anim na lokasyon, pati na rin ang latest health and safety protocols na iniimplementa sa lugar na nanggaling mismo mula sa kanya-kanyang local tourism offices.

Ang mga users ng Travel Philippines ay maaaring gumawa ng kani-kanilang itinerary sa pamamagitan ng built-in itinerary maker na may extensive catalogue ng tourist attractions, local restaurants, at accommodation establishments. Maaari rin nilang i-bookmark ang kahit anumang lokasyong nababasa nila sa platform.

Puwede ring mag-upload ang mga turista ng digital copies ng mga mahahalagang dokumento tulad ng boarding passes, hotel reservations, at medical certificates sa kanilang personal Travel Philippines account. Sa pamamagitan ng encrypted platform, nagbibigay ang app ng go-to folder para sa mga dokumento at forms, na maaaring i-access kahit walang internet.

“Travel Philippines marks DOT’s continued push to breathe new life into the severely affected tourism industry by promoting safe and responsible travel. We look forward to seeing both domestic and international tourists use Travel Philippines in their future trips,” dagdag pa ni Romulo-Puyat.

Nakipag-partner ang DOT at TPB sa inclusion tech venture builder na HIMO Global Inc. upang gawin ang Travel Philippines app.

LATEST

LATEST