Malacañang: ‘Mega’ corruption task force, paiimbestigahan din ang mga mambabatas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa justice department na paimbestigahan ang buong pamahalaan para sa kurapsyon ay sasaklaw din sa mga mambabatas, pagbibigay diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 27.

Unang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na tumatanggap aniya ng mga “kickback” ang mga mambabatas at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa mga contractors na nakakuha ng poryekto sa pamahalaabn.

Ang mandato aniya ng DOJ, sa ilalim ng batas na naglikha sa National Prosecutors Office, ay ang “paimbestigahan ang lahat,” dagdag pa ni Roque.

“Mayroon din po tayong mga immunities na ini-enjoy ang ating mga elected members of Congress and the Senate, pero it is not for violating anti-graft laws,” paliwanag nito.

Dagdag pa, “So, kasama po ang lahat po ng mga public offices [sa imbestigasyon] despite the separation of powers dahil wala naman pong separate na ahensiya na nag-iimbestiga ng korapsiyon sa Kongreso mismo. Iyan po ay kapangyarihan ng ehekutibo, to implement the laws to all kahit sino pa man sila.”

Ang mga mambabatas at miyembro ng iba pang sangay ng gobyerno ay paiimbestigahan kung sila ay sangkot sa kurap na aktibidad sa executive department, sabi naman ni Justice Secretary Guevarra.

Aniya, “Natural dahil kung ‘yun ay incidental to the investigation of an executive agency kung may part sa isang criminal act, di naman natin tinitingnan kung siya ay miyembro ng Kongreso, hudikatura o executive department.”

“Sama-sama ‘yan because it’s a criminal act, the corrupt act na tinitingnan natin. Kung may ebidensiya ng kanilang involvement, direct o indirect, ay kasama sila,” dagdag ng kalihim.

Noong Oktubre 27, nag-isyu ng memorandum s Duterte upang direktahan ang DOJ sa pag-imbestiga ng mga anomalya sa mga ahensya ng pamahalaan hanggang sa huling araw nito bilang pangulo sa 2022. Binibigyan nito ang ahensya ng awtoridad kung aling mga alegasyon ang paiimbestigahan.

“I hope that all government workers, officials are listening. This is a memorandum from me to Justice Secretary Menardo Guevarra… The subject is investigate of allegations of corruption in the entire government–Lahat,” giit ni Duterte sa isang taped speech.

Inaasahang iimbitahin ni Guevarra ang National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman, Civil Service Commission at state auditors para lumahok sa imbestigasyon.

“Ito po ay isang mega task force,” diin naman ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING