PRRD, inutusan ang mga ahensya na paigtingin ang transparency sa proseso ng procurement

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang transparency sa kanilang procurement process, kasabay nang ang pag-uutos nito para sa pagsasagawa ng isang malawakang imbestigasyon sa buong pamahalaan upang masugpo ang kurapsyon.

Ang lahat ng mga ahensya, korporasyon, at financial institutions ay dapat mag-post sa kani-kanilag mga website ng detalye ukol sa kanilang mga infrastructure projects, kabilang ang  badyet, target date of completion, rason ng pagkaantala, atbp., paglalahad ng isang kautusan ng pangulo na kanyang isinapubliko noong Oktubre 27.

Para sa mga proyektong nagkakahalaga ng P50 milyon pataas, ang post-contract award information ay dapat naka-publish nang isang beses sa isang newspaper of general circulation, bukod pa sa pagpapaskil nito sa mga opisyal na website at social media platforms ng mga ahensya.

Dapat ding maglabas sa bawat quarter ang Government Procurement Policy Board ng consolidated report ng mga blacklisted manufacturers, suppliers o contractors, at ilabas ang mga ito procuring agencies, dagdag pa ng pangulo.

Ang paglabag naman sa mga nasabing kautusan ay puwedeng mauwi sa pagsasampa ng kasong administratibo, giit ng Administrative Order 34 ni Duterte. 

“The government is committed to ensure fair, transparent and non-discriminatory competition for purchases of goods and services, and embraces the broader purpose of promoting good governance and the efficient and effective management of public resources,” wika ng pangulo.

Sa kanyang naging talumpati noong Oktubre 26, sinabi ng pangulo na patuloy na “nakikipaglaro sa kurapsyon” ang bansa.

“I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon, hindi humihina, lumalakas pa lalo. Para na tuloy naging inutil ang mga opisyal ng bayan, na wala talagang magawa with the onslaught of corruption,” pagbibigay diin ng pangulo.

Dagdag pa nito, “Hindi po ako maniwala na wala akong magagawa. May magagawa ako.”

LATEST