PhilHealth, binayaran na ang kalahati ng utang nito sa Red Cross

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinahayag ng PhilHealth na binayaran na nito ang halos kalahati ng mahigit ₱1-bilyong utang nito sa Philippine Red Cross (PRC) sa ilalim ng Covid-19 testing agreement.

“The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) today released PHP 500 million as partial payment to the Philippine Red Cross,” paglalahad ng ahensya noong Oktubre 23.

Dagdag pa ng PhilHealth, “It will expedite processing of the remaining balance following strict compliance to government accounting rules and regulations.”

Umabot sa mahigit ₱1 bilyon, ang pagkakautang ng PhilHeakth sa PRC, kung saan halos ₱931 milyon nito ay minarkahang overdue balance. Ito ay sinisingil na ng PRC bago nito muling isagawa ng Covid-19 testing.

Hindi natupad ng PhilHealth ang una nitong pangako na magbayad noong Lunes, bagay na nag-udyok kay PRC chairman Senador Richard Gordon na tawagin ang ahensya bilang  “reckless.”

Nagbabala naman si Gordon noong Oktubre 27 na posibleng maghain ito ng legal action laban sa PhilHealth kung sakaling hindi pa rin nito mababayaran ang nabanggit na utang.

Bagama’t hindi ipinaliwanag ang delay, sinabi ng PhilHealth na hindi nito “pinaglalaruan ang buhay ng mga tao” subalit “nag-iingat” lamang aniya ito para protektahan ang publiko at kanilang mga kontribusyon.

Mahigit 6,000 overseas Filipino workers (OFWs) naman ang na-stranded sa mga quarantine facilities simula nang ihinto ng PRC ang Covid-19 testing nito para sa mga kliyente ng PhilHealth dalawang linggo na ang nakalilipas. Ipinadala naman ang mga specimens sa ibang mga laboratoryo, habang nag-alok naman ng tulong ang pribadong sektor.

“PhilHealth also recognizes and assures the accredited laboratories conducting the current OFW RT-PCR tests that it will expedite the processing of its payments upon submission of complete documentary requirements,” dagdag pa ng ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING