Negligence at graft, ilan lamang sa mga inirekomendang ikaso kay Duque: Rep. Defensor

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Netizens say Duque photos in Navotas doctored; DOH chief insists he was  there | Inquirer News
Health Secretary Francisco Duque III
Larawan mula sa: Inquirer

Negligence at graft ang ilan sa mga kasong inirekomendang isampa ng joint House panel laban kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng mga iregularidad ng Philippine Health Insurance Corporation, ayon sa isang kongresista noong Oktubre 28.

“It would be from gross negligence to actual graft,” giit ni House Committee on Public Accounts chairman Mike Defensor.

Si Duque ay pinangalanan sa accountability list ng House committee report, kung saan inirekomenda nga mga mambabatas ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa ilang opisyal ng PhilHealth hinggil sa mga anomalya ng ahensya. Magpapadala rin ng kopya ng nasabing report sa Department of Justice (DOJ) para sa mas mabusising pag-aaral.

Ilan sa mga isyung idenetalye sa nasabing dokumento ay ang kontrobersyal na interim reimbursement mechanism ng PhilHealth— o isang prepayment scheme para sa mga ospital. Ang naturang mekanismo ay umani ng pambabatikos dahil sa kwestyunable nitong implementasyon. Unang tinanggihan naman ni Duque na pinirmahan niya ang isang board resolution na nagpapahintulot sa advance payments para medical facilities kaugnay ng Covid-19 response.

Ayon kay Defensor, naniniwala siya sa depensa ni Duque subalit iginiit pa rin na may papel pa rin ito bilang ex-officio chairperson ng PhilHealth.

Aniya, “Again, the secretary is the head of the policy-making body.”

“Ako naman, naniniwala sa sinasabi ni Secretary Duque na hindi siya kasama doon sa pagpirma sa IRM policy. ‘Yun lang, sana nga lang, when we were already discussing it, ay binago na nila kaagad. We were the ones who had to insist na huwag nitong ilabas ‘yung pondo,” dagdag pa ni Defensor.

Binigyang diin naman ng mambabatas na ang mga inirekomendang kaso sa report ay mag-iiba-iba depende sa kontrobersiya.

Ang DOJ umano ang pag-aaral tungkol sa maximum allowable case na maaaring ikaso laban sa mga akusado.

LATEST

LATEST

TRENDING