Panelo: Mga senador ng oposisyon, dapat magpokus na lang sa nat’l budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Senador Leila de Lima 

Dapat umanong magpokus na lang ang mga senador ng oposisyon sa deliberasyon ng panukalang 2021 national budget sa halip na ipanawagan ang pagpapalaya sa naka-detain na si Senador Leila de Lima, giit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong Oktubre 25.

Aniya, “The colleagues of de Lima should focus on their duties on deliberating on the national budget and stop themselves from lawyering for de Lima. That’s not what the taxpayers pay them to do.”

Ito ay matapos ipanawagan ng mga mambabatas ng oposisyon ang kanyang paglaya dahil “nagugunaw” na aniya ang “pekeng ebidensiya” laban sa senadora.

Ayon sa abogado ni De Lima na si Boni Tacardon, sinabi umano nina AMLC financial investigator Artemio Baculi Jr. at PDEA digital forensic examiner Krystal Caseñas sa korte na wala silang napag-alamang kahinahinalang transakyon upang iugnay ang senadora sa bentahan ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Subalit, iginiit naman ni Panelo na hindi naman aniya magsasabi ng pahayag laban sa kanyang kliyente ang abogado ni De Lima.

 “His (Tacardon’s) evaluation of the testimonial and documentary evidence favoring his client is expected and unsurprising. It is the Court hearing the case that will give evidentiary weight to the evidence presented before it,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, ang testimonya ni Baculi ay hindi makakapagpawalang-sala kay De Lima dahil hindi naman ito nag-imbestiga sa senadora at may iba pang mga testigo aniya na magpapatunay na tumanggap ng drug money si De Lima.

Nakabilanggo si De Lima simula Pebrero 2017 dahil sa pagkakadawit nito sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga. Nagsampa ito ng dalawang mosyon para makapag-piyansa alinsunod sa paggiit nitong inosente siya.

LATEST

LATEST

TRENDING