Duterte, inutusan ang DOJ na imbestigahan ang ‘buong gobyerno’ para sa katiwalian

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 26 ang Department of Justice (DOJ) na paimbestigahan ang “buong pamahalaan” para sa katiwalian.

Ayon sa pangulo, maaaring bumuo ng ilang pangkat ang ahensya basta’t kakailanganin ito para matupad ang hakbang.

“I hope that all government workers, officials are listening. This is a memorandum from me to Justice Secretary Menardo Guevarra… The subject is investigate of allegations of corruption in the entire government–Lahat,” pagbibigay diin ng pangulo sa isang taped speech na umere noong Oktubre 27.

Bibigyan umano ng awtoridad ang DOJ na pumili kung aling alegasyon ang iimbestigahan, alinsunod sa “gravity” nito at ang epekto nito sa pagbibigay ng serbisyo publiko, paglilinaw ni Duterte.

Binigyan din ng pangulo ng awtoridad ang ahensya na “gumawa ng kahit gaano karaming pangkat na kakailanganin” para sa isakatuparan ang hakbang.

Mananatili umano ang nasabing direktiba hanggang sa huling araw ng pangulo sa puwesto o sa Hunyo 30, 2020.

Sinabi naman ni DOJ Secretary Menardo Guevarra sa isang pahayag na ang kanyang bagong assignment ay ang “pinakamahirap” na hamong kanyang natanggap mula sa pangulo.

Aniya, “I will need all the support and cooperation of the entire government machinery to achieve this singular objective of substantially reducing corruption in government. Considering the breadth of this anti-corruption campaign, I will immediately focus on the organizational set-up and mechanism that will carry out the president’s directive till the end of his term, as well as the order of priorities.”

Hinikayat din nito ang mga kawani ng pamahalaan at mga taong nakakasalamuha nito na “dumulog sa pamahalaan at magbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga kurap na aktibidad upang matukoy ang mga nasa likod nito.”

Ayon naman kay Duterte, “I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon, hindi humihina, lumalakas pa lalo. Para na tuloy naging inutil ang mga opisyal ng bayan, na wala talagang magawa with the onslaught of corruption.”

“Hindi po ako maniwala na wala akong magagawa. May magagawa ako,” dagdag pa ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING