DOJ, maglalabas ng legal opinion tungkol sa kasunduan ng PhilHealth at Red Cross sa swab testing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Philippine Red Cross

Nakatakdang maglabas ang Department of Justice (DOJ) ngayong linggo ng isang legal opinion tungkol sa validity ng memorandum of agreement sa pagitan ng PhilHealth at Philippine Red Cross (PRC) hinggil sa pagsasagawa ng Covid-19 tests.

“The DOJ is reviewing the MOA between the Philippine Red Cross and PhilHealth, and will render an opinion within the week,” pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Oktubre 22.

“We’re giving this our preferential attention,” dagdag pa ng kalihim.

Nagkaroon ang PhilHealth at PRC ng multi-million peso agreement noong Mayo kung saan magsasagawa ang PRC ng malawakang Covid-19 testing program na babayaran naman ng PhilHealth sa halagang P3,500 bawat test.

Sa ngayon, nakapagbayad na ang PhilHealth ng P1.6 bilyon para sa mahigit 400,000 tests na isinagawa, subalit mayroon pa itong P930 milyong utang sa PRC.

Ipinahinto naman ng PRC ang pagtanggap ng specimens simula Oktubre 16, kabilang ang mula sa mga sumusunod:

  • overseas Filipino workers
  • mga dumarating sa mga paliparan at pantalan
  • mega swabbing facilities sa local governments
  • ibang kabahagi ng expanded testing guidelines ng health department 

Ito ay nauwi sa paghahanap ng DOH ng ibang alternatibo, kung saan mga malalaking laboratoryo ang sumalo sa Covid-19 testing. Mayroon ding 3-4-day delay sa release ng Covid-19 test results para sa OFWs. Tinatayang 6,000 OFWs din sa iba’t-ibang quarantine facilities sa Metro Manila, batay sa datos noong Oktubre 22, ang hindi pa rin makauwi dahil sa paghihintau ng negatibong swab test result.

Nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 19 na babayaran nito ang PRC, bagama’t “magtatagal”.

 “We will look for money,” giit ng pangulo.

Tiniyak naman ng PhilHealth na babayaran nito ang utang sa PRC dahil may sapat itong pondo.

“”Ang isyu lang po dito, kailangan lang po makatiyak ni Atty. Gierran… na nasa ayos naman ang lahat bago kami tuluyang makapagbayad sa Red Cross,” giit ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña.

LATEST

LATEST

TRENDING