Lacson, pinuna ang irregularidad ng 2021 budget na isusumite ng Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Panfilo Lacson

Ipinahayag ni Sen. Panfilo Lacson noong Oktubre 22 na magiging “misplaced” o hindi tama na sabihing regular pa rin ang 2021 badyet na isusumite sa Senado ng Kamara dahil mayroon na itong mga pagbabago matapos ipasa sa huling pagbasa.

Isang maliit na komite mula sa Mababang Kapulungan ang naglagay ng P20-bilyong institutional amendments sa badyet matapos itong ipasa ng mga kongresista sa pinal na pagbasa. Ayon kay Lacson, labag ito sa Saligang Batas.

Para naman kay Senate President Vicente Sotto III, ituturing niya pa ring regular ang badyet na isusumite ng Kamara sa Senado.

“To say that there is a presumption of regularity I think is misplaced because if that is the output of the small committee and they will include these amendments in the USB drive that they will transmit to us on October 28, then we cannot presume regularity, with all due respect to my Senate President,” giit naman ni Lacson.

Dagdag pa nito, “Because if it is based on an unconstitutional act, then we cannot presume regularity.”

Inaasahang matatanggap ng Senado ang printed copies ng 2021 badyet sa susunod na linggo matapos itong aprubahan ng Kamara sa huling pagbasa noong Oktubre 16.

LATEST

LATEST

TRENDING