Walang industriyang papaboran sa Anti-red tape bill: Velasco

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Speaker Lord Allan Velasco

Wala aniyang industriya ang papaboran alinsunod sa paggawad kay Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang kapangyarihan na pabilisin ang pag-iisyu ng permits at certifications habang may national emergencies, giit ni Speaker Lord Allan Velasco noong Oktubre 19.

Inaprubahan na ng Kamara noong Biyernes sa huling pagbasa ang Anti-Red Tape bill, na sinertipikahang urgent ng pangulo.

“It applies to all businesses…Not a specific industry,” ani Velasco.

Dagdag pa nito, “It just gives the President power to fast track issuance of permits and licenses for businesses who are applying for them.”

Sa ilalim ng Section 2 ng nasabing panukala, magkakaroon ng awtoridad ang pangulo na suspendehin ang mga requirements para sa isssuance ng national at local permits, licenses at certifications, at upang pabilisin ang proseso ng issuance.

Isang hiwalay na panukala rin ang inaprubahan sa huling pagbasa sa Senado.

Tinalakay naman ni Velasco ang kanyang relasyon sa mga business tycoons na sina Ramon Ang and Enrique Razon. 

Si Ang ang ika-walong pinakamayamang tycoon batay sa listahan ng Forbes ngayong taon. Siya ay naging sponsor ni Velasco sa kasal nito. Ayon kay Velasco, nagkaroon siya kamakailan ng isang “friendly conversation” kay Razon, na isa namang shipping magnate na nasa ikatlo sa listahan ng Forbes.

Binanggit naman ng House Speaker na kaibigan din nito ang iba pang tycoons.

Nang tanungin kung importante ito sa mga usapin sa Kamara, sinabi ng House Speaker na: “Yes, definitely mainly because I would ask their guidance in terms of where we’re going to push the country economically.”

LATEST

LATEST