95% ng mga sektor, nakakapag-operasyon na sa magaang protocols: DTI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Trade Secretary Ramon Lopez

Tinatayang 95% ng mga sektor sa Pilipinas ay pinayagan nang makapag-operasyon sa mas maluwag na quarantine protocols, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) noong Oktubre 19.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mas maraming mga negosyo na sa service sector ang pinahintulutang bumalik sa 100% capacity alinsunod sa hakbang ng pamahalaan na ibangon ang ekonomiya.

Aniya, “Last week, in-allow na po iyong maraming sevices sectors katulad ng legal, accounting, engineering, IT, programming, allowed na po sila from 50% to 100% operating capacity still under GCQ.”

“Ibig sabihin pwede ho tayong makapag-reopen ng economy,” dagdag pa ng kalhim.

Giit nito, “Ninety-five percent ng sectors are technically allowed na.”

Inilabas ng ahensya kamakailan ang  Memorandum Circular 20–52 na layong bigyan ng awtoridad ang mga negosyong nagsasagawa ng operasyon sa ilalim ng Categories II at III sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na makapag-operasyon sa full capacity, maliban na lamang sa mga barbershops, at salons.

Sa pagsapit ng Kapaskuhan, hinikayat naman ni Lopez ang implementasyon ng mall-wide sales para makatulong sa pagkakaroon ng aktibidad sa ekonomoiya, alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Ang mall-wide sales, payagan ulit natin para ma-restimulate ulit yung dami ng tao sa mall dahil nakita natin as we reopen hindi pa rin ganoon kadami ang mga customers, mga pumupunta sa malls,” ani Lopez.

Dagdag pa nito, “Para sa kabuhayan, at least naibabalik iyong sigla ng ekonomiya kahit na GCQ po tayo.”

LATEST

LATEST

TRENDING