Bukod sa ayuda, mga Pinoy, sinabing ‘adequate’ ang Covid-19 response ng pamahalaan: SWS

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Reuters

Karamihan ng mga Pilipino ang nagsabing “adequate” o sapat ang isinasagawang Covid-19 response ng pamahalaan, maliban na lamang sa pamimigay ng ayuda para sa mga nawalan ng trabaho, ayon sa isang independent survey na inilabas noong Oktubre 17.

Ayon sa Social Weather Stations, 44 percent ang nagsabing “adequate” ang pagtulong ng pamahalaan para sa mga taong nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemiya, habang 46 percent naman ang nagsabing hindi, at 9 percent ang hindi tiyak.

Ang net adequacy, o score ng adequate percentage minus inadequate percentage, ay pinakamababa sa Metro Manila (-15), na sinundan naman ng Balance Luzon (-2), Mindanao (-1), at Visayas (+4).

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Hulyo, 4.6 milyong katao sa Pilipinas ang nawalan ng hanapbuhay bunsod ng Covid-19 pandemic.

Samantala, 71 percent ang nagsabing “adequate” ang mga hakbang ng pamahalaan tungkol sa pagpapakalat ng impormasyon kung paano labanan ang Covid-19. Subalit, 22 percent naman ang nagsabing “inadequate” ito at 6 percent ang hindi tiyak.

Pinakamataas ang sentimiyento sa Mindanao (+52) at Visayas (+51) kumpara sa Balance Luzon (+47) at Metro Manila (+45).

67 percent naman ang nagsabing “adequate” ang isinasagawang hakbang ng pamahalaan sa contact tracing, habang 37 percent ang hindi sumang-ayon dito. 9 percent naman ang hindi tiyak.

Pinakamataas ito sa mga residente ng Balance Luzon (+49), na sinundan ng Visayas (+47), Mindanao (+37), at Metro Manila (+29).

Nag-hire kamakailan ang pamahalaan ng halos 50,000 additional contact tracers alinsunod sa layuning pagpigil sa paglaganap ng coronavirus.

54 percent ng respondents sa parehong survey ang nagsabing “adequate” ang pagtiyak ng pamahalaan na mura ang Covid-19 testing, habang 33 percent ang sumalungat at 11 percent ang hindi sigurado.

Pinakamataas ang net adequacy sa Visayas (+28), na sinundan naman ng Mindanao (+25), Balance Luzon (+18), at Metro Manila (+16).

Ang September 17 hanggang 20 na survey ay isinakatuparan sa pamamagitan ng mobile at computer-assisted telephone at nag-interview ng 1,249 adultong Pilipino. Ito ay may sampling error margin na ±3 percent para sa national percentages.

LATEST

LATEST

TRENDING