Lacson: Mga mambabatas na nanghihingi ng ‘kickback’ mula sa contractors, isang ‘open secret’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Panfilo Lacson
Kuha ni: Albert Calvelo (Senate PRIB)

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson noong Oktubre 15 na ang mga kongresista at opisyal ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanghihingi umano ng “kickback” mula sa mga contractor na nakakuha ng mga proyekto mula sa ahensya ay isa na umanong “open secret.”

“Officials from the executive and legislative branches who ask for ‘only’ 10 percent are ‘mabait, maginoong kausap’, and those who demand 20 to 30 percent are ‘matakaw’,” ani Lacson.

Dagdag pa ng senador, “Those who demand advance payments and renege on their word (ay) ‘balasubas’ at ‘mandurugas’.”

Unang pinuna ni Lacson ang pagtaas sa pondo ng local projects sa ilalim ng 2021 budget proposal ng DPWH, kung saan humihingi umano ang ahensya ng P67 bilyon para sa construction ng multi-purpose halls habang nasa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

“The mangled version [of the DPWH’s budget] alone – which contained a pattern of decreased budgets for national projects and increased budgets for local projects – is highly questionable,” giit ni senador.

Dagdag pa nito, “It has become an open secret that commissions or kickbacks have become the rule rather than the exception in the implementation of public works projects involving not only some corrupt officials of the department but some legislators as well (Naging open secret na ang pagiging karaniwan ng komisyon o kickbacks sa halip na maging exception sa implementasyon ng mga proyekto na kinasasangkutan ng hindi lamang mga opisyal ng DPWH kundi pati mga mambabatas).”

Ayon kay Lacson, pababawasan niya o di kaya ay ire-realign ang labis na “items sa proposed P667.32 bilyong badyet ng DPWH sa pagsasagawa ng delibarasyon ng Senado tungkol sa badyet.”

Samantala, idiniin naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 15 na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DPWH Secretary Mark Villar bagama’t nasasangkot ito sa mga alegasyon ng malawakang kurapsyon sa kanyang ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING