Kongresista, nanawagan na dagdagan ang 2021 DOH budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Nanawagan ang isang kongresista na dagdagan nang P50 bilyon ang badyet ng Department of Health (DOH) para epektibong makatugon sa Covid-19 pandemic.

Ayon kay Quezon 4th District Rep. Helen Tan, chairperson ng House committee on health, hindi sapat ang P204 bilyong badyet ng ahensya para sa 2021.

P2.5 bilyon lamang aniya ang inilaan para sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19.

Sinabi rin ni Tan na dapat pagbutihin ng ahensya ang data management at surveillance systems nito, kung saan nakapagdulot ang mga ito ng problema sa pag-uumpisa ng Covid-19 sa bansa.

“Early on or until now, we have a problem on reporting of cases on Covid,” ani Tan.

Sumang-ayon naman ang mayorya ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan sa panukalang pagdadagdag ng DOH badyet habang nagpapatuloy ang banta ng Covid-19.

Sumampa na sa 346,536 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa na ikinasawi ng 6,449 katao. 

Samantala, 293,860 katao naman ang gumaling mula sa nakamamatay na sakit, na kinabibilangan ng mild at asymptomatic cases. Tinatayang nasa 46,227 ang active cases.

LATEST

LATEST

TRENDING