Kamara, nagkaroon ng revamp kasabay ng pag-upo ni Velasco bilang Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinatalsik sa puwesto ang isang malapit na kaalyado ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano noong Oktubre 14, isang araw matapos iboto ng mayorya ng mga kongresista si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker.

Tinanggal si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte bilang Deputy Speaker, kung saan pinalitan ito ni 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, isang kaalyado ni Velasco.

Isa si Villafuerte sa mga mambabatas na nagdepensa kay Cayetano hanggang sa ito’y bumaba bilang Speaker.

Unang pinuna ni Villafuerte ang naganap na botohan noong Lunes kay Velasco bilang bagong lider ng Kamara, kung saan inilarawan niya ito bilang “ridiculous” at “unconstitutional.”

Matapos tanggalin sa puwesto, inakusahan naman ni Villafuerte ang bagong liderato na “tinatanggihan” umano nito ang kanilang “mga alok ng pakikipagkooperasyon”.

If the intention of removing me was to intimidate all those who remain loyal to former Speaker Cayetano, then they have miscalculated badly. Their vindictiveness merely shows that we were right all along, and exposes the kind of ‘leadership’ we can expect (Kung ang layunin nila sa pagtanggal sa akin ay sindakin ang mga matapat kay dating Speaker Cayetano, nagkakamali sila. Ang kanilang paghihiganti ay sumasalamin lamang sa kung anong uri ng ‘liderato’ ang maasahan natin),” pahayag ni Villafuerte.

Nauna ring tinaggal si Romero bilang Deputy Speaker noong Biyernes habang nasa kasagsagan ng iringan sa House speakership, alinsunod sa utos ni Cayetano.

Bukod kay Romero, uupo rin ang isa pang kaalyado ni Velasco na si Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon sa dating puwesto ni Davao City Rep. Paolo Duterte na pagka-Senior Deputy Speaker.

Ang nakababatang Duterte naman ay naluklok bilang chairman ng bagong House Committee on Accounts. 

Ilan pa sa mga bagong nahalal ay sina Ilocos Sur 2nd District Rep. Kristine Singson-Meehan bilang Vice Chair ng House Committee on Accounts. 

Nagkaroon din ng bagong chairperson ang House Committee on Health sa katauhan ni Quezon 4th District Rep. Angelina Helen Tan, na siyang pumalit kay Guimaras Rep. Ma. Lucille Nava.

LATEST

LATEST

TRENDING