DOLE, nais tumulong sa pagbibigay ng 13th month pay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Oktubre 14 na kinokonsidera nito ang pagbibigay tulong sa mga hirap na negosyo na makapagbigay pa rin ng 13th month para sa kani-kanilang mga manggagawa sa gitna ng usapin tungkol sa pag-exempt sa mga kumpanyang lubos na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, isa ito sa mga naging opsyon sa naganap na pagpupulong ng National Tripartite Industrial Peace Council kasama ang iba’t-ibang grupong manggagaw noong Oktubre 13.

Aniya, “Willing naman po tayo tumulong sa kanila kung kaya. Sa tingin ko naman po under the leadership of Sec. Bello gagawan ng paraan na matulungan po.”

Nakatakda sanang dumalo rin si DOLE Secretary Silvestre Bello sa ginanap na online session para ianunsyo ang pinal na kapasyahan ukol sa 13th month pay, subalit hindi ito nakadalo sapagkat nasa gitna ito ng isa pang meeting.

Gayunpaman, binanggit ni Benavidez na ilang criteria para sa “distressed” businesses ang isinama sa draft department order. Unang sinabi ng ahensya na posible nitong pagayan ang mga kumpanya na mailalarawan bilang “distressed” na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng 13th month pay para sa mga empleyado nito.

“Isa sa mga criteria ay kung ang isang employer ay lugi na nang at least 50% for the last three quarters…pero wala pa po ito sa pinal,” wika ni Benavidez.

Ayon sa opisyal, kinakailangang mag-apply sa DOLE ang mga negosyong nais mapabilang sa nabanngit na exemption.

92 katao aniya ang dumalo sa ginanap na meeting noong Oktubre 13 subalit wala umanong napagkasunduan ayon naman sa ilang grupong manggagawa.

“Mukhang merong deadlock doon sa proposal ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP na i-subsidize na lamang ng ng gobyerno ang 13th month pay ng mga small and micro enterprises na hindi makayanan ibigay ang 13th month ng mga empleyado nila,” giit naman ni TUCP spokesperson Alan Tanjusay.

Karamihan ay sumang-ayon sa proposal ng ECOP na inilarawan bilang “tanging paraan” para resolbahin ang isyu sa 13th month mandatory benefit.

Subalit, ang mga ahensya naman tulad ng Department of Finance at Department of Budget and Management ay “non-committal” aniya sa mungkahi ng grupo.

Aniya, “Walang sagot ang Department of Finance and Department of Budget and Management,” Tanjusay said.

Sinabi rin ni Tanjusay na ikokonsolida ng DOLE nagyong linggo ang lahat ng ideya at proposals tungkol sa usapin ng 13th month pay.

LATEST

LATEST

TRENDING