Malacañang: Cayetano at Velasco, ‘nagkaisa’ para tiyakin ang pagpapasa ng 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte, Rep. Alan Peter Cayetano, at Speaker Lord Allan Velasco

Nagkasundo ang bagong halal na House Speaker na si Rep. Lord Allan Velasco at ang kanyang pinalitan sa puwesto na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na magkaisa para sa maagang pagpapasa sa 2021 national budget nang makipagpulong ang mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 13.

In the course of the meeting, the two representatives agreed to work together as one majority in order to ensure the timely passage of the 2021 budget and other priority legislation of the Duterte administration (Sa ginanap na pagpupulong, nagkasundo ang dalawang kongresista na magkaisa bilang isang mayorya para sa pagtiyak ng agarang pagpapasa ng 2021 badyet at iba pang mga panukalang isinusulong ng Duterte administration),” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ipinatawag ni Duterte ang dalawang mambabatas isang araw matapos magtipon-tipon ang mga kongresista sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City, kung saan ibinoto ng mga ito si Velasco bilang bagong Speaker. Tinanggihan naman ito ni Cayetano at inilarawan ang nasabing eleksyon bilang peke at iligal.

186 na mga kongresista naman ang nagratipika sa eleksyon ni Velasco, kung saan ginanap na ito sa loob ng plenaryo ng Batasang Pambansa. Bumaba rin kinalaunan si Cayetano sa puwesto. Ayon sa dating Speaker, sinusunod lamang niya ang panawagan ng pangulo na isantabi ang pulitika at sa halip ay bigyan ng prayoridad ang pagpapasa ng  General Appropriations bill.

Nagbahagi naman si Senador Christopher “Bong” Go ng mga larawan mula sa nasabing meeting nina Duterte, Cayetano, at Velasco.

Ayon kay Velasco tungkol sa hidwaan nila ni Cayetano, “Kami po ay nagkasundo, nagkabati na po.”

Nagpatawag si Duterte ng special session para sa Kamara mula Oktubre 13 hanggang 16 upang tiyaki ang agarang pagpapasa ng 2021 national budget.

LATEST

LATEST

TRENDING