Malacañang: 13th month pay, ‘di puwedeng ipagpaliban hangga’t di binabago ang batas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hindi maaaring iantala ng mga employer ang pagbibigay ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado o di kaya ay ipagpaliban ang pamamahagi nito maliban na lamang kung amyendahan ang batas na nag-uutos nito, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

The law has not been amended. That is the law. That is a mandatory provision of the Labor Code (Hindi inamyendahan ang batas. Iyan ang batas. Mandatoryo iyan sa ilalim ng Labor Code,” ani Roque, nang tanungin tungkol sa isang panukala na magpapahintulot para sa mga “nahihirapang” mga negosyo na ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month pay para sa kanilang mga empleyado.

Dagdag pa nito, “Hanggang magkaroon ng bagong batas eh baka hindi po yan pupwede ma-defer.”

Gayunpaman, sinabi ni Roque na nakasalalay sa Labor Department para pag-aralan ang nasabing panukala.

Noong nakaraang linggo, nilinaw ni Labor Secretary Silvestro Bello III na kinakailangang pag-aralan ng ahensya kung aling mga kumpanya ang papahintulutang hindi magbayad ng 13th month pay para sa kanilang mga empleyado.

Tinitingnan din umano ng departamento na i-exempt ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na lubhang tinamaan ng pandemiya na ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month pay, dahil isa rin naman itong opsyon.

Subalit, umalma naman ilang grupong manggagawa sa nasabing mungkahi at idiniin na bigyan na lang ng assistance ang mga nahihirapang kumpanya para makapagbigay pa rin ang mga ito ng 13th month pay kahit nasa gitna ng krisis.

Mandatoryo sa ilalim ng Presidential Decree 851 ang pagbibigay ng 13th month pay sa lahat ng rank-and-file employees bago mag Disyembre 24 bawat taon.

LATEST

LATEST

TRENDING