PRRD, nais na isantabi muna ang pulitika para sa pagpapasa ng 2021 badyet: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling pinaalalahanan ng Malacañang ang mga kongresista isang araw bago ang itinakdang special session ng Kamara para sa budget deliberations, na pagtuunan ng prayoridad ang 2021 national budget at isantabi muna ang pulitika.

“Ang panawagan po niya (Pangulong Rodrigo Duterte) sa mga kongresista, isantabi muna…ang politika para maiipasa po natin ang proposed 2021 budget,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 11.

Noong Oktubre 9, inanunsyo ni Roque na nagpatawag ng special session si Duterte mula Oktubre 13 hanggang 16 para “muling idaos ang congressional deliberations sa proposed 2021 national budget at tiyakin ang agarang pagpapasa nito.”

Iginiit din ni Roque na hindi nanghihimasok ang pangulo sa pagpili ng susunod na House Speaker.

Aniya, “Hindi po nakikisali, hindi nakikialam sa politika ng mababang kapulungan ang Presidente.” 

Nauna namang sinabi ni Duterte sa mga mambabatas na ihinto na ang irinigan at sa halip ay tugunan na ang badyet kundi mapipilitan itong umaksyon.

LATEST

LATEST