Velasco: Cayetano, ipinaglalaban lamang ang ambisyong maging pangulo sa 2022

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano at Rep. Lord Allan Velasco

Pansariling interes lamang umano ang ipinaglalaban ni Incumbent Speaker Alan Peter Cayetano at ang ambisyon nitong maging pangulo sa 2022, ayon sa kanyang karibal sa pagka-Speaker noong Oktubre 9.

Sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na itinakdang humalili kay Cayetano bilang Speaker sa ilalim ng isang term-sharing agreement, na igigiit niya ang kasunduang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, “We have to show the public na pag may salita tayo, tinutupad natin ito. We are called ‘Honorables’ because we keep our honor. Kailangan, pag nagbibitiw tayo ng salita, tinutupad natin.”

“Ang kinakalungkot ko lang sa panahon ngayon, parang I don’t know what Speaker Cayetano is fighting for. Ang tingin ko talaga he’s fighting for his own personal interests,” dagdag pa nito.

Sinuspinde ang sesyon sa Kamara hanggang Nobyembre 16 matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukalang 2021 badyet alinsunod sa mosyon ni Cayetano. Ang pagpapalit ng House Speaker ay itinakda sana sa Oktubre 14, ayon naman kay Velasco.

Idiniin ni Velasco na sinuspinde ng kampo ni Cayetano ang plenary session dahil “wala umano sa kanya ang numero” para manatili sa puwesto.

“Akalain mo ba namang guluhin niya ‘yung buong budget process. Why? Because out of fear. I think Speaker Cayetano is doing everything just to be able to achieve his ambition, his personal ambition and interest na maging presidente ng 2022,” ani Velasco.

Dagdag pa ntio, “Inuuna niya muna ang kaniyang political survival before the survival of our country.”

Sa isang Facebook live video noong Oktubre 8, sinabi naman ni Cayetano na “politika” at “pangsasabotahe” ang nag-udyok sa kanya upang suspendehin nang maaga ang sesyon ng Kamara.

Humingi rin ito ng tawad sa Senado matapos nitong sabihin na ang mga senador ang dapat sisihin sa pagkaantala ng 2021 badyet, kasabay pagdiin na “isang araw” lamang ang magiging delay kung sakali.

Pinagsabihan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 8 ang mga mambabatas na iwasan ang pamumulitika na maaaring ikadiskaril ng 2021 badyet.

 “Either you resolve the issue sa impasse n’yo d’yan and pass the budget legally, constitutionally. ‘Pag hindi n’yo ginawa, ako ang gagawa para sa inyo,” wika ng pangulo.

LATEST

LATEST