‘Mayorya’, nais panatilihing Speaker si Cayetano hanggang 2021: Rep. Villafuerte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Isang kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang nagsabi noong Oktubre 8 na karamihan ng mga kongresista sa Kamara ay nais na panatilihin si Cayetano bilang Speaker hanggang sa susunod na taon.

Sa ilalim ng term-sharing agreement na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019, itinakdang umupo bilang Speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan bago ito palitan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ang nasabing kasunduan ay itinakdang maging epektibo ngayong buwan.

For sure, the majority wants him to stay (Siuradong karamihan ng mga mambabatas ang nagnanais na panatilihin siya),” ani Deputy Speaker LRay Villafuerte nang tanungin kung gusto ni Cayetano na manatili hanggang Disyembre kung kailan inaasahan ang pagpapasa ng Kongreso sa 2021 badyet.

Dagdag pa nito, “If the President respects the majority, I think the majority wants him to stay even beyond December (Kung igagalang ng pangulo ang mayorya, tingin ko nais siyang panatilihin kahit lagpas na ng Disyembre).”

Ayon kay Villafuerte, “napawalang-bisa” ang nasabing term-sharing deal nang inalok ni Cayetano na mag-resign noong nakaraang lingg, kung saan agaran itong tinanggihan ng plenaryo.

Dumulog naman si Velasco kay Pangulong Duterte noong Oktubre, kung saan sinabihan ng pangulo ang mambabatas na may karapatan itong tumakbo bilang Speaker. Ayon sa kanyang mga kaalyado, idedeklara nilang bakante ang posisyon ng Speaker sa Oktubre 14, ang itinakdang petsa ng pagpapatupad ng kasunduan.

Suspendido naman ang House session hanggang Nobyembre 16 matapos magmosyon si Cayetano na ipasa sa ikalawang pagbasa ang 2021 badyet noong Oktubre 6.

LATEST

LATEST