Mayorya, puwede umanong iluklok si Velasco bilang Speaker sa Okt. 14: Atienza

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Rep. Lord Allan Velasco

Puwede umanong mag-reconvene ang mga kongresista sa itinakdang oras ng pag-upo ni Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker kahit kasalukuyang suspendido ang sesyon ng Kamara, giit ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza noong Oktubre 7.

Sinuspinde ang House session noong Oktubre 6 matapos mag-mosyon si House Speaker Alan Peter Cayetano na ipasa ang 2021 badyet sa ikalawang pagbasa.

Sa ilalim ng term-sharing deal na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019, itinakdang maging Speaker si Cayetano sa unang 15 buwan ng 18th Congress, at si Velasco naman para sa nalalabing 21 buwan.

If the majority of members feel otherwise, we can meet and we can reconvene (Kung magbabago ng isip ang mayorya, puwede kaming mag-reconvene),” ani Atienza nang tanunging kung imposible na para kay Velasco na umupo bilang speaker sa Oktubre 14 bunsod ng pagsuspinde sa sesyon hanggang Nobyembre.

Dagdag pa nito, “We can do our own thing by asserting the power of the majority (Puwede namin itong gawin base sa paggiit ng kapangyarihan ng mayorya). Hindi puwede ‘yung one-man rule kami sa Kongreso. This is a democracy (Demokrasya ito).”

“If we allow a bully in Congress to rule it over, baka ang next problem nito ay ibibigay na niya sa Malacañang,” giit ng kongresista.

LATEST

LATEST

TRENDING