Red Cross, mayroong 10 Covid-19 labs sa buong bansa: opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Manila Times

Ang Philippine Red Cross ay mayroon ng 10 licensed Covid-19 testing laboratories sa buong bansa at sinisikap nitong ibaba ang presyo sa testing, pahayag ng mga opisyal nito noong Oktubre 4.

Nakapagsagawa ang Red Cross ng 11,138 tests noong Oktubre 3, habang mas maraming mga laboratoryo sa Surigao, Cotabato, Passi City sa Iloilo, at Isabela ang nakatakdang maging operational sa mga susunod na linggo, ayon kay dating Health Secretary Paulyn Ubial, na siyang nangunguna sa biomolecular laboratories ng Philippine Red Cross.

Aniya, “Ang nakukuha nating positive patients is 7 percent. Bumababa na po siya. As of yesterday, 4percent na lang ang nakukuha nating positive. I think this is a good development in terms of pandemic control in the Philippines.”

Noong Oktubre 3, sumampa na sa 319,330 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa, kung saan 255,046 recoveries at 5,678 naman ang deaths.

Sa ngayon, sinisikap naman ng Red Cross na gawing mas mura ang Covid-19 testing para sa mga Pilipino, wika naman ng chairman nitong si Sen. Richard Gordon.

Ang Covid-19 testing sa mga pribadong ospital ay naglalaro mula P4,000 hanggang sa higit P10,000 para sa express results. 

“Pinipilit naming maibaba ang presyo ng sinisingil namin sa PhilHealth at saka sa mga mamamayan. ‘Pag nangyari yan, baka umabot ng P2,500 or even P1,500 ‘pag nagawa ang aming project,” dagdag pa ni Gordon.

May utang din aniya ang PhilHealth sa Red Cross ng aabot sa P700 milyon para sa testing activities.

Noong Oktubre 3, 2020, ipinakita ng Covid-19 situationer report ng Department of Health na may 107 accredited RT-PCR laboratories at 33 licensed genexpert labs sa bansa. Mahigit 3.6 milyon naman ang na-test na.

LATEST

LATEST

TRENDING