
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) noong Oktubre 3 na ipasususpinde nito ang automatic fare collection system sa EDSA Busway kung hindi tatanggalin ang paniningil para sa issuance ng beep card.
Nanawagan ang ahensya sa beep card service provider na AF Payments, Inc. na agarang alisin ang pagbabayad sa nasabing card bukod pa sa load nito, o di kaya sususpendehin ng ahensya ang paggamit nito.
“We call on the AFPI to view the card cost fee as part of their corporate social responsibility (CSR) to help its clients endure the result of the pandemic (Nananawagan kami sa AFPI na ituring ang singil sa card bilang kabahagi ng kanilang corporate social responsibility (CSR) na layong tulungan ang mga kliyente sa panahon ng pandemiya),” pahayag ng DOTr.
Ang naging panawagan ng ahensya at matapos ang pambabatikos ng commuters sa “no beep card, no ride policy” kahit unang nag-request si DOTr Secretary Arthur Tugade sa operator na ipamahagi nang libre ang stored value cards.
Nakatakda namang maglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng memorandum circular tungkol sa fee waiver nang hindi lalagpas sa susunod na linggo.