DepEd, naglabas ng kalendaryo at grading guidelines para sa darating na pasukan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DepEd Secretary Leonor Briones

Naglabas ng guidelines ang Department of Education (DepEd) para sa student grading at assessment, pati na rin ng school calendar, bago ang itinakdang pagbubukas ng basic education classes sa Lunes, Oktubre 5.

Ayon sa DepEd Order No. 30, series of 2020, mag-uumpisa ang klase sa Oktubre 5 at magtatapos sa Hunyo 11, 2021.

Ang Order No. 31 naman ng ahensya ay nagtakda ng mga bagong interim guidelines para sa student learning assessment, at para sa grading scheme na gagamitin para sa school year 2020-2021.

Ang mga nasabing protocols ay magsisilbi para gabayan ang mga guro ngayong panahon ng pandemiya.

Inilathala ang mga kopya ng nasabing mga kautusan sa official social media page ng DepEd nitong weekend.

Unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na linggong postponement sa pagbubukas ng klase, habang inaayos ng pamahalaan ang limitasyon sa logistics hinggil sa pagsasakatuparan ng blended at distance learning classes.

Mahigit 24 milyong mag-aaral ang nag-enroll para sa panibagong school year, kung saan 22.5 milyon dito ay nagparehistro sa mga pampublikong paaralan.

The Department of Education issues DepEd Order No. 30, s. 2020 or the School Calendar and Activities for School Year…

Posted by DepEd Philippines on Saturday, October 3, 2020

The Department of Education issues DepEd Order No. 31, s. 2020 or the Interim Guidelines for Assessment and Grading in…

Posted by DepEd Philippines on Sunday, October 4, 2020

LATEST

LATEST

TRENDING