Recto: Publiko, ‘di dapat singilin sa Beep cards

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Beep

May sapat aniyang pondo ang pamahalaan para tustusan ang gastusin sa stored value cards na gagamitin sa EDSA Busway sakaling kailanganin, diin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto noong Oktubre 2.

Subalit, umaasa si Recto sa pangako ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ayusin muna ang mga isyu sa AF Payments Inc. (AFPI) tungkol sa Beep cards.

“The most important (thing) today (was) what the Secretary (Tugade) has said . . . na dapat gawin na munang libre ‘yung Beep card,” ani Recto.

Kung kailanganin aniya ang sabsidiya para sa nasabing values, may P20.71 bilyong pondo naman umano ang Department of Transportation (DOTr) na ibinalik sa pamahalaan para sa Covid-19 pandemic.

Ayon sa senador, sa card na may presyong P80, kailangan lamang magbayad ng gobyerno ng halagang P80 milyon. Dahil may tinatayang 500,000 na mga pasahero lamang na sumasakay ng bus bawat araw, posible umanong bumaba ang gastos sa P40 milyon.

“P80 million lang pinag-uusapan diyan and worst-case scenario na ‘yung babayaran ng gobyerno ‘yan . . . In fact, dapat libre ‘yan,” paliwanag ni Recto, na dating National Economic and Development Authority secretary general.

Nangako naman si Tugade sa Senate finance subcommittee hearing tungkol sa 2021 badyet ng DOTr na inaayos na nila ang naturang isyu.

Aniya, “I cued ang ating mga kasamahang sipatin at silipin kung Beep card ililibre natin . . . Kaya nu’ng nalaman ko, ipinagpilitan ko na libre.”

“Pinag-uusapan namin saan pwedeng i-source ang budget. Pwedeng silipin ang Bayanihan 2 fund,” dagdag pa ng kalihim.

LATEST

LATEST

TRENDING