‘Huwag mabahala’: DOH, tiniyak na ligtas ang swab testing sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Hindi dapat katakutan ng publiko ang pagkuha ng swab test, pagbibigay diin ng Department of Health (DOH) noong Oktubre 3 matapos kumalat ang mga ulat na isang pasyente sa US ang nakaranas ng brain fluid leak matapos sumailalim sa nasabing test.

“The government is ensuring na safe po ang pagsagawa ng mga specimen collections dito sa ating bansa,” giit ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa nito, “Sana po huwag mabahala ang ating mga kababayan.”

Ito ang naging tugon ni Vergeire tungkol sa isang artikulo noong Oktubre 1 na inilathala ng US-based JAMA Otolaryngology–Head & Neck Surgery, na isang international peer-reviewed medical journal. 

Tinatalakay dito ang kaso ng isang babae na may pre-existing encephalocele, isang bihirang skull disorder. Sumailalim ito sa nasal swab testing para sa Covid-19 at kinalauna’y na-diagnore ng cerebrospinal fluid leak. Ayon sa mga doktor, ito ang kauna-unahang beses na may nangyaring ganito.

Dapat umanong may mga alternatibong pamamaraan para sa nasal screening ng mga pasyente na may problema sa skull base at iba pang kaugnay na kondisyon, dagdag pa ng artikulo.

Sinabi ni Vergeire na sinusunod sa bansa ang mahigpit na protocols upang maiwasan ang anumang problema sa coronavirus testing. Tanging mga trained at skilled workers at licensed facilities lamang aniya ang makapagsasagawa sa nasabing test, gamit ang wastong procedure at materyales.

“Even those who are doing remote collection binabantayan po natin ‘yan, nagmo-monitor po tayo, nag-o-on-the-spot check,” wika ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING