PRRD, kokonsultahin ang mga residente ng Bataan para sa planong pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Bataan Nuclear Power Plant

Ang anumang plano para sa muling pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant ay dapat umpisahan sa pagkuha ng pahintulot ng mga residenteng nakatira sa lugar, giit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakipagkita kamakailan si Duterte kay Energy Secretary Alfonso Cusi at dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco, na isinulong ang paggamit ng nasabing power plant para suplayan ng kuryente ang bansa.

“Ang sabi po ni Presidente, pag-aralang mabuti but start from the ground. I take that to mean na kami pong mga taga-Bataan ang dapat konsultahin muna kung gusto nating buksan ang Bataan Nuclear Power Plant,” ani Roque.

Ang kaisa-isang nuclear power facility ng bansa ay matatagpuan sa Morong, Bataan at may kakayanan itong makapag-generate ng 623 megawatts ng clean energy. Noong 1986, ipinasara ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pasilidad dahil sa pangambang baka mangyari sa  Pilipinas ang trahedya sa Chernobyl sa bansang Russia na naganap sa parehong taon.

Muli namang binisita ang proyekto noong 2018 habang naghahanap ang bansa ng alternatibong mapagkukunan ng lumulubong demand para sa enerhiya.

Ayon naman kay Russian Ambassador Igor Khovaev, hindi na kayang buhayin ang planta dahil “outdated” na ang teknolohiya nito.

Unang nagpahayag si Duterte na bukas siya sa pagkakaroon ng nuclear energy, matapos nitong lagdaan ang Executive Order 116 na bumuo sa Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee. Ang nasabing komite ay inatasang mag-aral at gumawa ng isang national nuclear energy policy.

Kasalukuyang ding nakikipag-usap ang pamahalaan sa Russia para sa nuclear power technology, kabilang ang ideya ng Moscow na pagpapalitaw ng nuclear power barges na layong mamahagi ng kuryente sa mga lalawigang nasa isla.

Ayon naman kay Cusi,  may planong paggamit ng maliliit na modular nuclear reactors para suplayan ng enerhiya ang Palawan at Sulu – mga lugar na mahirap ikonekta sa the national grid.

LATEST

LATEST