Kamara, tinanggihan ang alok na pagbibitiw ni Cayetano bilang Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
House Speaker Alan Peter Cayetano

Inalok ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano noong Setyembre 30 na magbitiw bilang House Speaker dahil sa umano’y pagiging sabik ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na maging bagong lider ng Kamara – hakbang na tinanggihan ng iba pang mga kongresista.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Cayetano na magbibitiw na ito bilang House Speaker, matapos banatan si Velasco sa halos isang oras na talumpati.

I will not be a party to letting the President down. So I’m offering my resignation, here and now, to you my dear colleagues. My fate and the fate of the 2021 budget, and the fate of the leadership of the House is in your hands (Hindi ko bibiguin ang pangulo. Kaya inaalok ko ang aking resignasyon, ngayon sa inyo, mga kapwa kongresista. Ang kapalaran ko at ng 2021 badyet, at ang liderato ng Kamara ay nasa inyong mga kamay),” ani Cayetano.

Ayon sa Speaker, magreresign siya upang mabigyan ng pagkakataon si Velasco na mamuno sa deliberasyon ng 2021 badyet.

Congressman Velasco told the President that he is ready. Then I think the best time for him to prove it is now (Sinabi ni Cong. Velasco sa pangulo na handa na siya. Ito na ang pagkakataon para patunayan mo ito). Gusto mo ng Sept. 30? Sige. If our colleagues want you today, ikaw na. Let him show that he can pass the budget on time, but more than that, let him show that it will be a great budget. A budget that all of us will be proud of,” dagdag pa ni Cayetano.

Sa unang bahagi ng kanyang talumpati, sinabi ni Cayetano na nais ni Velasco na maging “rubber stamp” ang Kamara para sa ginawang National Expenditure Program ng executive bracnh, sa halip na gisahin ito.

Gayunpaman, agarang tinanggihan ng mga mambabatas ang alok na resignasyon ni Cayetano.

Isa na rito si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, subalit sinabing dapat mag-resign si Cayetano sa Oktubre 14, ang nakatakdang panahon ng turnover.

Sa ilalim ng “gentleman’s agreement” na binuo ni Duterte noong 2019, magsisilbi bilang Speaker si Cayetano sa unang 15 buwan o hanggang Oktubre 2020, pagkatapos ay papalitan naman ito ni Velasco para sa nalalabing 21 buwan.

Subalit, nais ng mga mambabatas na panatilihin si Cayetano sa puwesto, dahil an pagbabago umano ng liderato ay makakasagabal sa pagpapasa ng 2021 national badyet.

LATEST

LATEST

TRENDING